MAGPAPATULOY si Police General Benjamin Acorda Jr. sa kaniyang tungkulin bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay matapos palawigin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos. Jr. ang kaniyang termino bagama’t naabot na ang mandatory retirement age kahapon.
Sa flag raising ceremony sa Camp Crame ngayong umaga, pinasalamatan ni Acorda si Pangulong Marcos Jr. sa patuloy na pagtitiwala sa kaniyang kapabilidad na pamunuan ang PNP.
Una nang umugong ang balitang pinalawig ang termino ni Acorda ngunit walang inilalabas na dokumento ang Malacañang.