Terrence Romeo, pansamantalang hindi makapaglaro para sa Beermen

Terrence Romeo, pansamantalang hindi makapaglaro para sa Beermen

INAANTAY pa ni Terrence Romeo ang abiso ng kaniyang doktor kung makakalaro na ba ito muli para sa San Miguel Beermen.

Kung mapapansin, nitong Miyerkules, Enero 24 ay hindi nakapaglaro ang basketbolista dahil sa nararanasan nitong left ankle sprain.

Nakuha naman ng manlalaro ang kaniyang sprain ng magsagawa ito ng ilang drills.

Sa naging laro ng Beermen kontra Barangay Ginebra San Miguel, nanalo ang koponan ni Romeo sa iskor na 92-90.

Si CJ Perez ang nanguna para sa Beermen matapos nag-ambag ito ng 26 points, five rebounds at tatlong assists.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble