INANUNSIYO ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pakikipagtulungan nito sa GCash para sa kanilang mga programa.
Sa nasabing kasunduan, maaari nang makita ng GCash users ang TESDA online program website sa GCash app.
Sa pamamagitan nito ay mapapalawak na ang kaalaman ng publiko hinggil sa mga kursong inaalok ng TESDA.
Ayon pa sa isang opisyal ng G-Xchance Inc., sa paglagay ng mga programa ng TESDA sa loob ng GCash platform, mas nabibigyan pa ang publiko ng kapangyarihan tungo sa pinansiyal na kasarinlan.