Tesla at SpaceX, magkakaroon na ng investment sa Malaysia—PM

Tesla at SpaceX, magkakaroon na ng investment sa Malaysia—PM

IBINAHAGI ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim na malapit nang magkaroon ng investment ang American multinational automotive company na Tesla maging ang pagkakaroon ng satellite communications service ng SpaceX sa kanilang bansa.

Nagkausap na anila sila hinggil dito ng founder nito na si Elon Musk.

Sa unang bahagi ng taon ay inaprubahan na ng Malaysia ang application ng Tesla para mag-import ng battery-run electric vehicles papuntang Malaysia.

Magkakaroon din ng opisina, showrooms maging service at charging centers ang Tesla sa Malaysia.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter