INIHAYAG ng Thai actors na sina Tay Tawan at New Thitipoom o mas kilala bilang Taynew na nais nilang ma-explore ang Pilipinas.
Sa isang press conference at fan meeting na isinagawa ng dalawa noong Hulyo 30, ibinahagi nito na ang isa sa gusto nilang gawin sa bansa ang makabisita sa mga sikat na tourist spots dito at matikman ang Pinoy dishes.
Sa mga lugar, nais ng mga ito ang makapunta sa Boracay at Bohol.
Sa mga pagkain, gusto naman nilang matikman ang kare-kare, halo-halo at ang classic Filipino dish na adobo.
Ayon pa sa dalawa, napamahal na sila sa Pilipinas simula pa noong una silang bumisita dito taong 2019 para sa isang TV series.
Sa kabilang banda, hindi rin nagpahuli si Tay na makipagkita sa kanyang Pinoy friends na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia.
Habang si New ay nagpahayag na gusto nitong maka-collab si Richard Juan.