Thai foreign minister, nakipagkita kay Chinese Foreign Minister Wang Yi

Thai foreign minister, nakipagkita kay Chinese Foreign Minister Wang Yi

NAKIPAGKITA si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Parnpree Bahiddha-Nukara, Thai Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs na nasa Beijing para sa ikawalong Lancang-Mekong Cooperation Foreign Ministers Meeting.

Si Wang ay miyembro din ng political bureau ng Communist Party of China Central Committee, at isinaad na ang China ay palaging susuporta sa Thailand para sa plano nitong modernisasyon.

Handa rin aniya ang China na makipag-ugnayan sa Thailand para maisakatuparan ang consensus na napagkasunduan ng lider ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Wang, dapat ay panatilihin ng dalawang bansa ang matatag na ugnayan at sistema ng produksiyon at supply at mag-ugnayan sa paghuli sa transnational crimes gaya ng online gambling, telecom fraud at human trafficking.

Ayon naman kay Parnpree, pinapahalagahan ng Thailand ang relasyon nito sa China at naniniwala sa One-China Policy, handa rin aniya ang Thailand na mas palalimin pa ang praktikal na kooperasyon sa China.

Bukas naman ang Thailand sa Chinese high-tech enterprises na mag-invest sa Thailand at palakasin ang scientific at technological exchange maging ang kooperasyon ng dalawang bansa.

Umaasa rin aniya ang Thailand na mas maraming Chinese tourists ang bibisita sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble