Thai PM, pinahihigpitan ang gun ownership rules kasunod ng mass killing sa daycare center

Thai PM, pinahihigpitan ang gun ownership rules kasunod ng mass killing sa daycare center

PINAHIHIGPITAN ni Thai Prime Minister Prayuth Chan-ocha ang gun ownership rules kasunod ng mass killing sa isang daycare center noong nakaraang linggo at magkaroon ng massive crackdown sa drug used sa bansa.

Ito ay kasunod ng mass killing ng isang dating pulis sa isang daycare center na nagdulot ng matinding pangamba sa mga mamamayan sa Thailand.

Umabot sa 36 na katao ang nasawi kung saan 24 sa mga ito ay bata sa insidente sa Uthai Sawan.

Ipinag-utos agad ni Prayuth sa mga awtoridad na hanapin at magsagawa ng test sa mga posibleng gumagamit ng iligal na droga kabilang na ang mga opisyal sa mga komunidad.

Pinalakas din ng Punong Ministro ang treatment para sa mga kasalukuyang sumasailalim sa rehab program dahil sa iligal na droga.

Pinatatanggal din nito ang gun license ng mga indibidwal na hindi responsable sa paggamit ng baril.

Kinakailangan na rin ng regular mental health check para sa gun license applicants at mga kasalukuyang holder.

Follow SMNI NEWS in Twitter