NI-RAID ng Thai police ang isang iligal na COVID-19 laboratory sa bansa.
Inaresto ng pulisya ang dalawang babae dahil sa umano’y pagpapatakbo ng isang ilegal na laboratoryo para sa COVID-19 tests sa lalawigan ng Pathum Thani.
Sinabi ni Pol. Maj. Gen. Anant Nanasombat, commander ng consumer protection police division, na inaresto ng pulisya ang mga kababaihan, na kinilala lamang bilang Wasita at Pornnapa, sa klinika ng D Lab inter group sa Tambon Ban Krasaeng ng Muang district.
Ayon pa rito, ang klinika ay nagbibigay sa mga tao ng antigen test para sa COVID-19 at nag-iisyu ng test result certificates nang walang pahintulot.
Ipinakita ng klinika ang lisensya sa pagpapatakbo ng isa pang klinika at sinisingil ang bawat customer ng 500 Baht. Ang service provider at mga katulong nito ay hindi rin mga doktor o medical technician.
Natuklasan din ng pulisya na ang mga sample ng dugo na nakolekta mula sa mga pabrika at mga lugar ng trabaho ay hindi wastong nakaimbak doon sa kanilang COVID-19 laboratory.