TULUYAN nang tatanggalin ng China at Thailand ang visa requirements sa mga residente nito simula sa buwan ng Marso.
Ito ang inanunsyo ni Prime Minister Srettha Thavisin noong Martes.
Ang Thailand na pangunahing sektor na kumikita ay turismo ay una na ngang tinanggal ang entry requirements sa mga turistang Chinese noong Setyembre hanggang buwan ng Pebrero ngayong taon.
Ayon kay Srettha, ito ay magpapalakas sa ugnayan ng dalawang bansa.
Noong nakaraang taon, dalawampu’t walong milyong dayuhang turista ang bumisita sa Thailand na nag-ambag naman ng higit isang trilyong baht na kita sa gobyerno.
Ang pangunahing mga turista ay mula sa Malaysia na nakapagtala ng higit apat at kalahating milyong turista na sinundan ng China na nag-ambag ng higit tatlo at kalahating milyong turista noong nakaraang taon.