HINDI inaasahan ni Public Health Minister Anutin Charnvirakul ang pag-angat ng bilang ng Chinese tourists o kahit anong special arrival rules para sa mga ito.
Una nang inihayag ni Anutin na isa ring deputy prime minister na ang bilang ng Chinese arrivals ay posibleng limitahan dahil magpapatupad ang gobyerno ng travel conditions kabilang ang RT PCR tests sa COVID-19 para sa inbound at outbound travellers.
Pero matapos ang ilang mga pagsusuri ay napagdesisyonan ng gobyerno na hindi nito ire-require sa Chinese visitors na sumailalim sa test sa COVID-19 bago o matapos ito dumating sa bansa.
Dagdag pa nito, karamihan sa mga Chinese ay mayroong tatlong dose ng COVID-19 vaccine at nakapag-develop na rin ng antibody mula sa COVID-19 infection.
Samantala, kinakailangan namang bumili ng health insurance ng lahat ng Chinese visitors na darating sa bansa.