ISINUSULONG ngayon ng mga doktor sa bansang Thailand ang agarang bakuna laban sa cervical cancer sa mga kabataan.
Inihayag ng National Committee on Vaccines sa Thailand na higit 3 taon nang naantala ang pagtuturok ng bakuna sa higit isang milyong kabataang babae laban sa cervical cancer.
Kasama sa planong ipanawagan ng mga doktor sa Thailand ang pagbabakuna mula sa state-owned hospitals, university hospitals, local administrative organizations at maging sa National Health Security Office.
Ayon naman kay Department of Disease Control, chief Tares Krassanairawiwong, kailangan nang tugunan ang nasabing panawagan.
Dagdag pa nito, dapat bago tumuntong sa 15 taong gulang ang mga kabataang babae ay naturukan na ito ng bakuna.
Samantala, maliban sa cervical cancer vaccine, kasama rin ang Hepatitis B, tetanus, pertussis, measles, rubella, mumps, tuberculosis, diphtheria, polio, at Japanese encephalitis sa mga bakunang planong iturok ng bansang Thailand sa kanilang Childhood Immunization Program.