Thailand, nagbuo ng plano para manatiling top exporter ng canned pineapples

Thailand, nagbuo ng plano para manatiling top exporter ng canned pineapples

MASAYA  si Prime Minister Prayut Chan-o-Cha ng Thailand matapos na ideklara bilang number one exporter ng canned pineapples sa mundo ang Thailand.

Kumikita ang Thailand ng 20 bilyong baht na halaga mula sa lokal na pineapple industry nito.

Ayon sa Agriculture Ministry, ang Thailand ay mayroong 32% na market share sa pandaigdigang canned pineapple market.

Para mapanatili ang status na ito, nagbuo ang gobyerno ng 2023-2027 development plan para suportahan ang canned pineapple industry at upang palawigin pa ang kapasidad nito sa produksyon, pagpoproseso at pagma-market ng produkto.

Higit pa rito, plano ng gobyerno na gamitin ang development fund para palakasin ang kita ng pineapple farmers.

Plano rin ng Agriculture Ministry na magtayo ng Pineapple Metropolis sa Prachuap Khiri Khan dahil karamihan ng pineapple factories ay mula roon.

Karamihan ng exported pineapples ng Thailand ay dinadala sa Estados Unidos, UAE at Japan kaya naging top exporter ito sa mundo.

Sinundan naman ng Pilipinas ang Thailand bilang pinakamalaking supplier ng canned pineapples kung saan 22% ng market share ay naitala sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter