NAGTALAGA ng working panel ang Thailand para sa Thai-Laos railway project na unang iminungkahi ng Transport ministry ng gobyerno ng Thailand upang makipag-ugnayan sa mga transport authority ng Laos kasabay ng plano nitong pagtatayo ng railway sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ay parte ng high speed railway project na may kaugnayan sa Thailand’s rail system at Laos-China railway.
Sa Thailand, ang proyekto ay hinati sa tatlong yugto, una ay ang Bangkok-Nakhon Ratchasima section na sumasakop sa dalawandaan at limamput tatlong kilometro, Nakhon Ratchasima to Nong Khai section, at Nong Khai to Vientiane section.
Ang panel ay magbibigay ng data integration sa procurement at cross border travel plan sa railway na nag-uugnay sa dalawang bansa.
Samantala, pumirma na rin ang Thailand, Laos, at China sa isang memorandum of understanding sa rail cooperation ng Thai-Laos railway project.