Thailand, nakapag-ulat ng unang kaso ng nakahahawang BQ.1 variant

Thailand, nakapag-ulat ng unang kaso ng nakahahawang BQ.1 variant

NAKAPAGTALA ng kaso ng BQ.1 variant na subvariant ng Omicron ang bansang Thailand.

Ito ay ayon sa Center for Medical Genomics sa Ramathibodi Hospital.

Iniulat ng center ang impormasyon mula sa Global Initiative on Sharing Avian Influenza Data.

Kamakailan lamang ay nag-isyu ng alert ang US Center for Disease Control and Prevention para sa outbreak ng BQ.1 at BQ.1.1 na parehong descendant ng BA.5 subvariant ng Omicron.

Ang BQ.1 at BQ.1.1 ay naiulat na resistant sa kasalukuyang medikasyon na gumagamot sa COVID-19 patients gaya ng Evusheld at Bebtelovimab.

Samantala, kinakailangan naman ng second generation vaccines para mag-trigger ng antibodies laban sa viral load mula sa BQ.1. at BQ.1.1 subvariants.

Follow SMNI NEWS in Twitter