PANGUNGUNAHAN ng Transport Ministry ng Thailand ang gagawing Railway Network Project na magkokonekta sa apat na bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Magiging katuwang naman ng Thailand ang Malaysia na nauna nang nagpahayag na handa itong pabilisin ang railway connection.
Nakipagpulong naman si Secretary for Transport Chayatan Phromsorn ng Thailand kay Malaysian Counterpart Isham Ishak kasama ang mga miyembro ng kompanya nito upang talakayin ang mga gagawing hakbang sa nasabing proyekto.
Inaasahan naman ngayong Agosto 30 at Setyembre 1 ang malalim na pag-uusap ng dalawang kompanya.
Samantala, sinang ayunan naman ng Malaysia ang plano ng Thailand na pagkakaroon ng joint working panel sa China, Laos, Thailand, Malaysia at Singapore.