INIHAYAG ng isang opisyal ng coal-fired plant sa Prachinburi Province, sa East Bangkok na habang nagsasagawa ito ng pagsusuri ay napansin nito ang nawawalang radioactive steel tube, na may taas na 30cm at 13cm naman ang lapad.
Ayon kay Kittiphan Chitpentham ng National Power Supply Public Company na bigo itong makita ang 25kg na tubo na naglalaman ng highly radioactive caesium-137.
Pinaniniwalaan ng kompanya na nahulog ang nasabing tubo ilang araw na ang nakalilipas.
Nagbabala naman si Office of Atoms for Peace Secretary Permsuk Sutchaphiwat na posibleng magkaroon ng cancer o malalang karamdaman ang sinoman na mae-expose sa nasabing kagamitan.
Samantala, nananawagan naman ng tulong si Prachinburi Governor Narong Nakornjinda sa mga mamamayan na nakatira malapit sa coal-fired plant na tulungan sila sa paghahanap nito.