Thailand, posibleng buksan ang mga restaurant sa fully vaccinated diners

Thailand, posibleng buksan ang mga restaurant sa fully vaccinated diners

POSIBLENG payagan ng Thailand ang pagbubukas ng mga restaurant para sa fully vaccinated diners.

Hinihiling ng Public Health ministry ng Thailand sa center for COVID-19 situation administration na payagan ang mga restaurant na magbukas para sa mga fully vaccinated diners.

Ayon kay Kiattiphum Wongrajit, Permanent Secretary for Public health nagiging maayos na ang sitwasyon ng COVID-19 kaya naman kinakailangang luwagan na ang ilang restriksyon.

Kung papayagan naman, ang isang restaurant ay maaaring buksan ang kalahati ng kabuuang kapasidad nito para maisakatuparan ang social distancing.

Ikinukunsidera na ring buksan ang iba pang outdoor na negosyo gaya ng Fitness at Sports clubs.

Kung magbubukas kinakailangan ring sundin ng mga negosyo ang COVID-free approach sa kanilang mga establisyimento.

Sa ngayon ay isinasaayos na ng Department of Disease Control (DDC) ang detalye ng huling COVID-19 restrictions easing plan nito.

FDA Thailand, hinihingi na ang kumpletong vaccine info ng Pfizer vaccine

Samantala, hinihikayat ng Food and Drug Administration (FDA) sa Pfizer na magsumite na ito ng kumpletong impromasyon ukol sa bakuna nito para mabigyan na rin ito ng full authorization sa paggamit.

Noong Hunyo 24 ay pinayagan ng ahensya ang emergency use ng nasabing bakuna.

Ayon kay FDA Secretary General Paisarn Dunkum, kinakailangan ng datos mula sa Pfizer para mapadali ang rekomendayson.

Ito ay kasunod naman ng desisyon ng FDA ng Estados Unidos na bigyan ng full authorization ang Pfizer-Biontech vaccine na mas kilala sa tawag na Comirnaty.

Inendorso rin ng ahensya na bakunahan na ng mga indibidwal na nasa edad 12 hanggang 15.

Sa isang pahayag, nireview na ng FDA ang datos nito mula sa 44,000 samples bago aprubahan para sa general na paggamit.

SMNI NEWS