MAGSISIMULA ngayong taon ang Thailand ng konstruksyon sa pagtatayo ng $9-B na halaga ng aviation city.
Ang proyektong ito ay tinatayang magkakaloob ng 15,600 trabaho sa unang 5 taon at posibleng mag-angat sa sektor ng turismo sa bansa.
Ang investment ay naglalayon na palaguin ang U-Tapao Airport sa isang bagong international airport na mayroong kaugnayan sa budget terminal na Don Muang Airport at sa pangunahing paliparan ng bansa na Suvarnabhumi Airport.
Ang proyekto ay pinangalanang Eastern Aviation City kung saan magkakaroon din ito ng free trade zone para sa cargo at aviation training center maging aircraft maintenance, repair at overhaul facilities.
Ang public-private project na ito ay matatagpuan sa kanluran ng Thailand at tinatayang aabot sa 1,040 ektarya ang lawak.