The Deep Probe: SMNI Presidential Candidates Interview, hindi ‘toxic’ at ‘stressful’ – business owners

The Deep Probe: SMNI Presidential Candidates Interview, hindi ‘toxic’ at ‘stressful’ – business owners

MAINIT na tinanggap ng ilang negosyante ang bagong format ng katatapos lang na The Deep Probe: SMNI Presidential Interview na isinagawa sa Okada Manila.

Limang presidential candidate ang sumalang sa hot seat ng mga respetadong panelist.

Ito ay sina labor leader Ka Leody De Guzman, Dr. Jose Montemayor, former Defense Secretary Norberto Gonzales, former presidential Spokesperson Sec. Ernesto Abella at si presidential frontrunner former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ayon sa mga negosyante, hindi toxic at stressful ang naturang aktibidad dahil maayos na nailalahad ng bawat kandidato ang kanilang mga plataporma at solusyon sa mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa.

Ayon sa mga business owners, first time na nangyari sa kasaysayan ng bansa ang ganitong uri ng debate o forum sa mga kandidato sa pagkapangulo dahil karamihan umano sa mga presidential debate na kanilang napakikinggan ay puro patutsadahan lang at walang laman.

Sinabi pa nila, sa pamamagitan ng “The Deep Probe: SMNI Presidential Interview ay nailalabas ng bawat kandidato ang kanilang talino at naipapakita ang kanilang tunay na saloobin sa mga hamon na kasalukuyang kinakaharap ng bansa.

Nais lamang natin pasalamatan ni Pastor Apollo C. Quiboloy na nasa likod ng matagumpay na The Deep Probe: SMNI Presidential Interview ngayong gabi kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na mailahad sa publiko ang kanilang mga program of government at nabibigyan din ng pagkakataon ang taumbayan na makilatis at makilala kung sino ang presidential candidate na kanilang iboboto sa halalan sa darating na Mayo 9.

Follow SMNI News on Twitter