MARAMI sa mga netizen ang humanga sa The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview.
Anila, mula sa venue, set up at bagong format ng pagkilatis sa mga kandidato ay napaka-excellent nito. At tulad ng mga naunang SMNI debates, ay nagtrending din ito sa social media.
Sa Pre- show pa lang kanina ay nag-abang na ang maraming netizen at tagasubabay para sa The Deep Probe: The Presidential Candidates Interview.
Matatandaan na maraming netizen ang humiling sa SMNI na magkaroon ng Part 2 ang isinagawang Presidential Debate ng istasyon na nangyari noong nakaraang Pebrero.
Bagay na pinagbigyan naman ni Pastor Apollo C. Quiboloy; pero ngayong araw, ay isang Presidential Interview ang nangyari, bagay na nagustuhan naman ng marami.
Mula nang magsimula hanggang matapos ang The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview ay hindi bumitiw ang mga netizen sa pakikinig at panonood sa loob ng halos anim na oras.
Puring puri ng mga netizen ang The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview, unang una dahil na rin sa venue at ang set up ng stage at ang bagong format.
Sa stage ay may LED screen, may single sofa para sa kandidato na nasa center stage na nakaharap sa apat na panelista na akma sa format ng SMNI ngayon para kilatisin ang mga kumakandidato sa pagkapangulo.
Ayon sa post ni Mary Jezebel Zomil, super impressive, attractive at comfortable ang set up.
Ayon naman kay Thelma Bajarin Acosta, excellent at classy ang venue. Sabi rin nito na muling itinataas ng SMNI ang kalidad ng pagdadaos ng ganitong event para sa nalalapit na eleksyon.
Ayon naman kay Paris May Hernz, na basta SMNI ay natatangi ang preparasyon mula sa venue, pannelist, host at buong programa.
Sabi naman ni Forevermore Jaxzy na talagang pinaghandaan ng SMNI ang naturang debate.
Napansin din ng mga netizen ang red Carpet na dinadaanan ng mga kandidato sa kanilang pag-akyat sa entablado.
Ganito naman ang sinabi ni Bong De Leon: Kudos to Pastor Apollo C. Quiboloy sa pag organiza ng SMNI Network, na walang kinakatigan, o pinipili, kontra ka man sa pamahalaan o pabor.
Nagpapasalamat din si Perlina Elarde kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa lahat ng ginagawa nito upang maliwanagan ang bawat Pilipino sa pagpili ng susunod na pangulo.
Sinabi naman ni Chriza Tutor, na ang format ng SMNI The Deep Probe ay magandang pagkakataon sana sa apat na kandidato na hindi pa rin dumalo para makita nila ang kanilang leadership at kalibre.
Ayon naman kay Rence Lauron, ang SMNI Deep Probe ay ang pinakaperketong panel interview nagawa sa isang presidential candidate.
Sinabi naman ni Abing Tenorio na deserve ng SMNI ang magkaroon ng panibagong award.
Samantala, ilang minuto lamang nang nagsimula ang debate, ay nagtrending na agad ang #SMNI Deep Probe sa Social Media gaya ng Twitter.