SA Hulyo 2 ang magiging release ng action/fantasy drama na “The Old Guard 2”.
Dito ay bida ang top-billed Hollywood actress na si Charlize Theron kasama sina Kiki Layne, Luca Marinelli, Chiwetel Ejiofor, Henry Golding at marami pang iba.
Ang kuwento nito ay ang muling pagbabalik nina Charlize at ang kaniyang grupo ng mga immortal na mandirigma upang harapin ang isang bago at makapangyarihang kalaban na nagbabanta sa kanilang misyon na protektahan ang sangkatauhan.
Ang hamon nga lang ay mortal na si Charlize na gumaganap bilang Andy sa sequel na ito.