NAKAKUHA ng 204.6 million dollars na ang naging kita ng “The Super Mario Bros. Movie” ng Universal sa unang 5 araw pa lang nito na pagbebenta ng movie tickets sa North America.
Ayon sa Industry Watcher Exhibitor Relations, nakikita nito na may potensiyal na mangunguna ang naturang movie ngayong taong 2023.
Samantala, sumunod sa “The Super Mario Bros. Movie” ang “John Wick: Chapter 4” na may 14.6 million dollars.
Pumapangatlo ang “Dungeons & Dragons” Honor Among Thieves” na may 14.5 million dollars.
Ang sports drama na may pamagat na “Air” ay mayroon namang 14.46 million dollars.