NAHINTO pansamantala ang ticket selling ng “Ready To Be” world tour concert ng South Korean girl group na Twice sa Pilipinas.
Kasunod ito sa anunsiyo ng SM tickets na mayroon silang napansing kahina-hinalang aktibidad online hinggil sa ticket selling.
Nagtagal din ng ilang oras ang ticket sale suspension.
Ang Twice ay bibisita sa Pilipinas ngayong September 30, 2023 para sa kanilang concert sa Philippine Arena, Bulacan.
Huling bumisita ang Twice sa Pilipinas noong 2019.
Binuo ang grupo nina Jihyo, Nayeon, Mina, Jeongyeon, Sana, Momo, Tzuyu, Dahyun at Chaeyoung.
Sikat ang Twice sa mga kanta tulad ng “Cry For Me”, “Set Me Free”, “Feel Special”, “Fancy”, at “Talk That Talk”.