DAVAO CITY – Sa harap ng daan-daang tagasuporta, muling pinatunayan ng Dabawenyo community ang kanilang pagkakaisa at paninindigan sa ginanap na rally ng Hugpong sa Tawong Lungsod sa Bunawan, na dinaluhan ng mga kandidato mula sa ikalawang distrito ng lungsod.
Sa isang makahulugang pahayag, sinabi ni Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte:
“Tinuruan ni Rody Duterte ang mga Pilipino na lalong mahalin ang kanilang bayan.”
Ang mensaheng ito ay nag-echo sa damdamin ng mga mamamayang patuloy na sumusuporta sa pamana ng leadership ni dating Pangulong Rodrigo Duterte—isang pamana ng malasakit, disiplina, at makabansang pagkilos.
Kasama rin sa pagtitipon si Omar Duterte, tumatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito, na nagpahayag ng kanyang dedikasyon na ipagpatuloy ang adbokasiyang Duterte para sa kaayusan at pag-unlad ng komunidad.
Hindi rin nawala ang mainit na suporta para sa mga PDP-Laban Senatorial Candidates, kabilang si Pastor Apollo C. Quiboloy, na kinilala ng mga tagasuporta bilang isang lider na may matibay na paninindigan para sa kapakanan ng bayan.
“Ang pagkilos na ito ay higit pa sa eleksyon—ito ay patunay ng pagkakaisang Dabawenyo para sa mas maliwanag na bukas,” saad ng isang residente mula Bunawan.