Tone-toneladang smuggled na sibuyas at bawang, nasabat ng CIDG sa Maynila at Malabon

Tone-toneladang smuggled na sibuyas at bawang, nasabat ng CIDG sa Maynila at Malabon

NAGKAKAHALAGA ng 135 milyon pisong smuggled na sibuyas at bawang ang nasabat ng mga operatiba ng CIDG sa Maynila at Malabon.

Matapos na matanggap ang reports na may ilang warehouse sa Maynila at Malabon na sangkot sa illegal importation at hoarding, agad na isinagawa ang operasyon ng mga awtoridad bitbit ang letter of authority mula sa Bureau of Customs (BOC), ala una ng madaling aaraw nitong Biyernes, Pebrero 17, 2023.

“We have received reports on the rampant illegal importation and smuggling of agri-products as well as the hoarding of locally produced onions and cloves of garlic in areas of Manila and Malabon. And with the LOA issued by Commissioner Bienvenido Rubio, we set our plan and implement our operation against the owners of these warehouses or storage facilities,” ani PBGen. Romeo Caramat Jr., Director, PNP-CIDG.

Mula sa nasabing operasyon, tumambad sa mga operatiba ang nasa 50 toneladang agri products na itinatago sa 23 warehouse sa Maynila.

Nagkakahalaga ang mga ito ng mahigit sa 40 milyong piso habang nasa 250 tonelada naman sa isang warehouse sa Malabon na nagkakahalaga naman ng 95 milyong piso.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Romeo Caramat Jr., kasalukuyan nang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang CIDG para sa pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng patuloy na sumasabotahe sa ekonomiya ng bansa.

“Mas malalim pang imbestigasyon ang aming isinasagawa sa ngayon para sa pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng patuloy na sumasabotahe sa ating ekonomiya upang masampahan sila ng karampatang reklamo,” ayon pa kay Caramat.

Naniniwala ang CIDG officials na bagamat bumababa ang presyo ng sibuyas ngayon sa merkado, pero hindi pa rin anila ito rason para samantalahin ng mga negosyante ang ekonomiya ng bansa lalo na sa mga apektadong magsasaka at mamimili ng nasabing prdukto.

 

Follow SMNI News on Twitter