Top 5 leading delegates ng Pina-Rampa Challenge ng Miss Universe Philippines inilabas na

Top 5 leading delegates ng Pina-Rampa Challenge ng Miss Universe Philippines inilabas na

INILABAS na ng Miss Universe Philippines ang alphabetical at partial result ng Pina-Rampa runway showcase.

Nanguna si Valerie Claire West mula sa Ifugao, Rhancoise Mangayitan ng Pampanga, Thelma Suzanne Dayao ng San Fernando, Cebu, Jessica Victoria Cianchino ng San Jose, Batangas, at last but not least, ang kandidata ng Siargao na si Millien Joy Cabigas.

Bagama’t partial pa ang inilabas na resulta, ang limang kandidata ang nanguna sa voting record data mula Abril 1–10.

Sa Pina-Rampa runway showcase ng Miss Universe Philippines, ipinakita ng mga kandidata ang kanilang runway skills pati na ang kanilang fashion sense.

Inilabas ito sa YouTube noong Abril 1 kung saan nakita ng mga tagasuporta ang galing ng kanilang paboritong kandidata.

Sa ngayon ay bukas pa rin ang online voting hanggang Abril 15, 2025.

Bawat isang piso ay katumbas ng isang boto kaya may chance pa ang mga kapartners na makapasok ang inyong paboritong kandidata.

Makakapasok sa finals ang kandidata na makakakuha ng pinakamataas na boto at magkakaroon ng chance na mapanalunan ang inaasam na korona.

Bisitahin lamang ang official page ng Miss Universe Philippines, o kaya naman ang Pinabeauty PH para sa kompletong mechanics ng pagboto.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble