ARESTADO ang top 6 most wanted person ng Laguna Police Provincial Office.
Ito ay kasunod ng joint manhunt operation ng Sta. Cruz, Laguna Municipal Police Station at Casiguran, Sorsogon Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion 3, Sta. Cruz, Laguna.
Ayon kay Police Colonel Rogarth Campo, provincial director ng Laguna Police, kinilala ang suspek na si Ernesto Binas, 65-taong gulang.
Si Binas ay nahaharap sa warrant of arrest sa kasong murder na inilabas ng Municipal Circuit Trial Courts ng Casiguran/Juban, Sorsogon noong Hulyo 1990.
Nasa kustodiya na ng Casiguran, Sorsogon Police ang top 6 most wanted person kung saan aabisuhan na rin ang korte sa kanyang pagkakaaresto.
Tiniyak naman ni Campo na hindi makakatago sa kanilang lugar ang mga wanted na indibidwal.