ARESTADO ang top 8 regional target drug personality nitong Pebrero sa Calasiao, Pangasinan.
Ito ay sa pangunguna ng PDEA Interdiction Unit II (SIU II), Pangasinan Police Provincial Office-Special Weapon and Tactics Team.
Ang suspek ay nakumpiskahan ng P54,400 halaga ng shabu.
Sinampahan ito ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591.
Ito ay ayon sa report ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO 1 Regional Director, Director III Joel B. Plaza na ipinarating sa tanggapan ni Director General Moro Virgilio Plaza.
Nasamsam sa operasyon ang 14 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, humigit-kumulang walong gramo na nagkakahalaga ng P54,400, samu’t saring drug paraphernalia, isang kalibre .45 na may magazine at mga bala, isang kalibre. 38 na may mga bala, dalawang coin purse, isang identification card at isang itim na pouch.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa PDEA PANGPO Detention Facility sa Urdaneta City, Pangasinan.