ISANG nakakabilib na duet ang handog ng American singer at songwriter na si Tori Kelly at Morisette Amon nitong weekend.
Sa kanilang duet, kinanta nila ang pinakasikat na awitin ni Morissette na “Akin Ka Na Lang” mula sa kaniyang solo debut album na inilabas noong 2016, na nagpapakita ng kaniyang husay bilang isang biritera.
Isang unforgettable performance ang duet hindi lang sa mga fans kundi pati kay Morisette at sinabing “starstruck” siya sa American singer.
Showcased dito ang kanilang nakaka-amazed na vocal abilities.
Kahit na mataas ang range ng kanta ay controlled at masarap pa rin sa tenga, isa nga naman itong perfect harmony.
Nagsimulang makilala si Morisette nang sumali sa The Voice Philippines noong 2013 bilang finalist, pero naging viral at sumikat sa kaniyang cover ng kantang “Listen.”
Si Tori naman ay isang authentic singer na kilala sa iba’t ibang music genres katulad ng Pop, R&B at Gospel.
Nagsimula ang kaniyang singing career noong 2004 sa reality show na American Idol, naging sikat sa kaniyang mga music covers sa YouTube hanggang nakamit niya ang kasikatan sa music industry.