Total lockdown sa nag-iisang mental hospital sa Camarines Sur, tatanggalin na

Total lockdown sa nag-iisang mental hospital sa Camarines Sur, tatanggalin na

MAGBABALIK operasyon na ang Don Suzano J. Rodriguez Memorial Mental Hospital matapos ang halos 1 buwang total lockdown dahil sa COVID-19.

Isinailalim sa total lockdown ang nag-iisang mental hospital sa lalawigan ng Camarines Sur para mapigilan na ang pagkalat ng nakakahawang sakit matapos na magpositbo ang 1 sa mga pasyente nito sa COVID-19.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Mayo nang mag-umpisang hawaan ng sakit na COVID-19 sa Don Suzano J. Rodriguez Memorial Mental Hospital sa Pili Camarines Sur  ang 1 sa mga pasyente nito ay regular na nagpapatingin sa Bicol Medical Hospital sa sakit nito sa puso ang posibleng may dala ng nasabing virus.

Nahawaan nito ang kasamang nurse attendant at drayber hanggang magpositibo na rin ang may 15 pasyente sa male ward.

Ito ay dahil na rin sa kalagayan ng mga pasyente ng ospital na bukod sa mental patients na ay may mga comorbidities pa dahil marami sa mga pasyente ay may mga dati nang sakit katulad ng sakit sa puso, baga, diabetes at iba pa kung kaya’t madali lamang kapitan ng virus ang mga ito.

Napag-alamang naturukan na ng unang dose ng AstraZeneca vaccines ang nasa 280 mental patients at 30 health care workers ng ospital, kaya’t mild symptoms na lamang ang kanilang naramdaman kahit immuno compromise ang iba rito.

Hinihikayat din ni Dra. Ma. Theresa Galvan, Assistant Administrator-Designate Department of Psychiatric, BMC ang mga LGU na sagutin ang antigen at RT-PCR test ng mga pasyente bilang tulong sa pamilya nito at sa mental hospital.

Sa ngayon tumanggap na nang ikalawang dose ng bakuna ang mga pasyente at mga healthcare workers nito.

At bukod sa minimum health protocols, by batch na rin ang pagpapapasok ng mga pasyente at bantay.

Kailangan ding negatibo ang mga COVID-19 results ng mga ito bago i-admit sa ospital.

Samantala, sumailalim din sa stress de-briefing ang mga staff bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng ospital.

(BASAHIN: Libreng training at allowance sa Camarines Sur, ipinamahagi)

SMNI NEWS