Tourism staffs sa Thailand, kinakailangan nang tumanggap ng booster jab

Tourism staffs sa Thailand, kinakailangan nang tumanggap ng booster jab

HINIHIKAYAT ng Tourism authority ng Thailand ang mga business operator na siguruhing makakatanggap ang mga staff nito ng booster ng COVID-19 vaccine para sa pagdating ng Chinese tourists.

Ayon kay Tourism Governor Yuthasak Supasorn, ang mga staff ng lahat ng negosyo sa industriya ng turismo lalo na ang mga nagiging close contact ng mga turista gaya ng mga hotel receptionist, driver at tour guides ay dapat na makatanggap ng booster shot upang magkaroon ito ng proteksyon.

Kinakailangan ding istriktong sumunod sa safety and health administration standard ang hotel, restaurant at tour operators.

Inaasahan na mas tataas pa ang bilang ng turista mula China sa pagbubukas ng Beijing sa susunod na linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter