NAKIPAG-ugnayan ang Toyota Motor Philippines Corporation sa Team (Philippines) Energy Corporation para makamit ang layunin nito tungo sa carbon neutrality.
Sa pamamagitan ng retail supply contract, magiging supplier ang Team (Philippines) Energy Corporation ng 90% green energy sa kabuuang electricity requirement ng Toyota PH.
Magsisimula ito ngayong Disyembre 26, 2023.
Kasabay ng green energy ay ang 1.46-megawatt rooftop solar power system ng Toyota kung kaya’t siguradong maaabot nito ang 100% renewable energy ratio.
Nauna nang ibinahagi ng Toyota Philippines na target nilang makamit sa 2035 ang mai-transform ang kanilang manufacturing plants sa pagiging carbon-neutral facilities.