Trabaho ng DOH hindi apektado kahit wala pa itong kalihim

Trabaho ng DOH hindi apektado kahit wala pa itong kalihim

NANINDIGAN ang Department of Health (DOH) na hindi nakahadlang sa kagawaran na magampanan nito ang kanilang trabaho kahit wala pa itong kalihim.

Ayon sa kagawaran, ang COVID-19 response ng bansa, at iba pang healthcare programs ay tuluy-tuloy na naiimplementa, narerebyu at napapaunlad ng buong DOH family.

Makatitiyak din anito ang publiko na magpapatuloy ang DOH sa pagbibigay at pagpapaunlad ng kanilang serbisyo para sa mga Pilipino.

Sa kasakuluyan, ang DOH ay pinamumunuan ni DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kuntento ito sa performance ni Vergeire at magpapatuloy ito sa ngayon bilang OIC sa ahensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter