NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang batas ang Republic Act (R.A.) No. 11962 o ang ‘Trabaho Para sa Bayan Act’ sa Palasyo ng Malacañang ngayong araw, Setyembre 27, 2023.
Ang naturang batas ay naglalayong tugunan ang kawalan ng trabaho, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.
Nakatuon din ang batas sa pagpapabuti ng kakayahang makapagtrabaho at pagiging mapagkumpitensiya ng mga manggagawang Pilipino.
Ito’y sa pamamagitan ng mga hakbangin sa upskilling at reskilling; at suportahan ang mga micro, small, at medium enterprises at industry stakeholders.
Sa ilalim ng batas, ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC), sa pangunguna ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ay gagawa ng masterplan para sa employment generation & recovery sa Pilipinas.
Kabilang sa dumalo sa seremonya sina Sen. Imee Marcos, Sen. Joel Villanueva, SP Juan Miguel Zubiri, DILG Sec. Benjamin Abalos, DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, NEDA Sec. Arsenio Balisacan, DBM Sec. Amenah Pangandaman, DTI Sec. Alfredo Pascual, at iba pang opisyal.