Tracker team, handa nang tugisin ang mga suspek sa nawawalang sabungero

Tracker team, handa nang tugisin ang mga suspek sa nawawalang sabungero

HINIHINTAY na lamang ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang warrant of arrest laban sa mga suspek sa nawawalang sabungero.

Ito ang inanunsyo ni CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee kasunod ng ika-25 case conference sa mga nawawalang sabungero.

Dinaluhan ito ng mga pamilya ng biktima na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa development ng kaso.

Ayon kay Lee, wala pa silang timeline dahil sa hirap ng kaso.

Pero mayroon na aniyang tracker team ang CIDG para matukoy ang lokasyon ng mga suspek.

Nanawagan ang pulisya sa may impormasyon sa kinaroroonan ng mga nawawalang sabungero na makipagtulungan sa kanila.

Follow SMNI NEWS in Twitter