PINAPALAWAK ng singer-actress na si Jisoo ng K-pop girl group na Blackpink ang saklaw ng BLISSOO, ang talent label na namamahala ng kaniyang solo activities.
Ayon sa Korean Intellectual Property Information Service (KIPRIS), nag-aplay ang BLISSOO para sa 13 categories mula sa fashion, cosmetics hanggang entertainment.
Pebrero 22 nang ihain ang mga aplikasyon para dito ayon sa KIPRIS.
Posibleng ang trademark applications ng BLISSOO ay isang pagpapakita ng intensiyon na papasok ito sa iba’t ibang uri ng industriya.
Hakbang na rin ito tungo sa sinasabing solo venture ni Jisoo bilang artist at entrepreneur.