NASA traders at retailers ang dahilan kung bakit mataas ang presyo ng asukal sa Metro Manila.
May mali rin ang Department of Agriculture (DA) hinggil sa value chain ayon kay Rex Estoperez, ang deputy spokesperson ng DA sa panayam ng SMNI News.
Ayon kay Estoperez, sinabi ng sugar planters gaya ng Negros Region na marami naman sana silang ani at sa katunayan ay may 60 pesos per kilo sila na presyo ng asukal.
Makikitang ang presyo ng asukal sa Metro Manila ay nasa 90 hanggang 105 pesos per kilo.
Kamakailan nang ipinag-utos ni Pangulo at Agriculture Secretary Ferdinand Marcos Jr. sa DA na gumawa ng hakbang at patatagin ang mataas na presyo ng asukal sa pamilihan.
Sa memorandum, inaatasan ang Minimum Access Volume (MAV) advisory council na magtipon-tipon at madaliin na ang pag-aangkat ng 64,050 metric tons ng refined sugar sa pamamagitan ng MAV mechanism.
Idinahilan nito ang napakataas ng inflation sa asukal, confectionery at desserts na umabot sa 38%.