Trahedya sa balon sa Zamboanga Sibugay, 4 nasawi

Trahedya sa balon sa Zamboanga Sibugay, 4 nasawi

SA isang balon sa Brgy. Tiayon, Ipil, Zamboanga Sibugay, apat ang nasawi sa loob lang ng isang araw.

Nagsimula ito nang makuryente si Norben Cañete Sr. habang kinukuha ang kaniyang martilyo at pait na naiwan sa loob ng balon.

Sunod-sunod na bumaba sa balon ang mga kaanak para tumulong pero lahat sila nakuryente.

Kabilang sa mga nasawi ang anak niya na si Norberto Jr., Jayson Gandawan, at ang 16-anyos na si Renjear Velez.

Mag-aalas diyes ng gabi nang mailabas ang mga biktima, patay na lahat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble