KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagkaroon ng emergency landing ang isang training aircraft sa Plaridel, Bulacan nitong Miyerkules ng umaga.
Ang Piper Tomahawk na may Tail No. RPC1085, na pinapatakbo ng Fliteline Aviation, ay ligtas na nakapag-forced landing matapos ang pagkabigo ng makina.
Ayon sa CAAP, parehong ligtas ang flight instructor at student pilot.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang ahensiya upang matukoy ang sanhi ng pagkasira ng makina.
Follow SMNI News on Rumble