Transportasyon, hindi kayang maparalisa ng bantang strike sa araw ng SONA ni PBBM—LTFRB

Transportasyon, hindi kayang maparalisa ng bantang strike sa araw ng SONA ni PBBM—LTFRB

ALL set na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa gagawing mitigating measures para sa isasagawang tatlong araw na transport strike ng ilang transport groups.

Sinabi ni LTFRB chairman Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, wala silang nakikitang malaking epekto sa ikakasang tigil-pasada ng mga grupo.

Wala aniya silang kakayahan na i-paralyze ang pampublikong transportasyon dahil kakaunti lamang grupo ang lalahok.

“They do not have the capability to paralyze. We have with us the 7 major transport groups plus ‘yung sa UV express and they have signify support to us with that kayang-kaya na po naming tugunan ito.”

“It’s very insignificant 2 to 3 percent for Metro Manila and about that much in Region 4.”

“Napakaliit po, hindi ma di-disrupt ang trabaho, hindi madi-disrupt ang pasok,” ayon kay Asec. Teofilo Guadiz III, Chairman, LTFRB.

Sa kabila nito, nakipag-ugnayan pa rin ang ahensiya sa mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat tsuper at pasahero lalo na sa mga 3 key area tulad sa Quezon City.

Ito’y upang maiwasan ang pambabato, paglalagay ng spike sa kalsada at pangha-harass sa mga tsuper para lang lumahok sa kanilang mga plano.

Binalaan din ng LTFRB ang mga tsuper na lalahok sa nasabing tigil-pasada

Pagbibigay-diin ni Guadiz, hindi magdadalawang-isip ang ahensiya na mag-isyu ng show cause order at pagsuspinde sa kanilang mga prangkisa.

Pinabulaanan din ng LTFRB official na hindi pananakot ang kanilang gagawing hakbang.

“Sa punto niya po, para sila nga po nanakot dahil out of the – after 2 weeks mayroon kaagad silang notice of strike. Ang sa akin naman, mayroon kang prangkisa, so mayroon kang kontrata sa estado na gagamitin mong prangkisa ‘yan sa iyong hanapbuhay. Hindi mo gagamitin ang prangkisang ‘yan para takutin ang estado. So, I will make myself clear because they were been done before and I intent to do it now. ‘Yung mga mag-strike, I will be there in the highway, we will have our cameras the moment na makunan namin kayo ng picture ‘yung mga jeep ninyo ay may show cause order kaagad kayo, either you get suspended or you get your franchise remove and I meet business this time,” dagdag ni Guadiz.

Tiniyak naman ng LTFRB na may sapat na pampublikong transportasyon na masasakyan ng mga pasahero.

Sa kabila ito sa plano ng ilang grupo na magtigil-pasada simula sa araw ng SONA ni PBBM, Hulyo 24–26, 2023.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Instagram