Tree Planting initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isinagawa sa Calatagan, Batangas na isa sa mga binaha noong nakaraang mga buwan

Tree Planting initiative ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isinagawa sa Calatagan, Batangas na isa sa mga binaha noong nakaraang mga buwan

HINDI pa rin nagpapa-awat si KOJC Leader Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang ‘One Tree, One Nation’ Tree Planting Activity kasunod ng mga sunod-sunod na pagtama ng kalamidad noong mga nakaraang buwan sa bansa.

Sa pagkakataong ito, sa Calatagan, Batangas isinagawa ang Tree Planting na initiative ng butihing Pastor kung saan isa ito sa mga binaha sa Batangas noong tumama ang bagyong Kristine noong Oktubre.

Sa nangyaring kalamidad, ay umabot sa 59 ang death toll.

Iyan yong gustong maiwasan ng inisyatibang ito ni Pastor na walang mawalan ng buhay dahil sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.

At alam natin, na ang pagtatanim ng puno ay isa sa mga paraan para mapigilan ang mga landslide at flashflood.

Isang libong pananim ang itatanim at ito’y pagtulong-tulungan ng mga volunteers mula SPM, KOJC, at private sector.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter