Tribo ng Mangyan, mga taga-Oriental Mindoro buo ang suporta sa Duterte candidates at kay Pastor Quiboloy

Tribo ng Mangyan, mga taga-Oriental Mindoro buo ang suporta sa Duterte candidates at kay Pastor Quiboloy

BUO ang ibinigay na suporta ng tribo ng Mangyan at iba’t ibang residente sa Oriental Mindoro sa kanilang pagdalo sa campaign rally na “Ayusin Natin ang Pilipinas,” na pinangunahan ng grupo ng ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senatorial Movement’.

Dumalo sa naturang campaign rally ang higit-kumulang 700 residente ng lugar, kabilang ang grupo ng mga Mangyan at mga residente ng Brgy. Sampaguita at Brgy. Bayan-Bayanan sa Oriental Mindoro.

Ginawa ang rally sa gymnasium ng Brgy. Sampaguita sa bayan ng Naujan, kung saan buo ang suportang ibinigay ni Brgy. Captain Pablo Manalo kay Pastor Quiboloy, kasama ang Duterte Senatorial Candidates.

Ayon sa kaniya, naniniwala siyang mas magiging maayos at maunlad ang kanilang lugar kung mananalo ang mga kandidatong ito.

Kasabay rito, mas naliwanagan umano ang mga residente sa mga alegasyong ibinabato laban kay Pastor Quiboloy. Anila, hindi nababalita sa mainstream media ang mabubuting ginawa ng Butihing Pastor.

Naniniwala rin sila na maisasakatuparan ng Butihing Pastor ang kaniyang mga plano para sa isang mas maunlad, maayos, at komportableng pamumuhay.

Ibinahagi naman ni Pastor Henry C. Hernandez ng ‘Jesus Is My Savior Church’ na kapag naglilingkod ka sa Diyos, matapat ka ring maglilingkod sa tao. Kaya naman, buo ang kaniyang suporta kay Pastor Quiboloy, na siyang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Aniya pa, bagama’t may separation of church and state, hindi aniya siya makikialam sa usaping ito dahil kung may problema ang estado, tiyak na maaapektuhan din ang simbahan.

Buo rin ang suporta ng mga grupo ng magsasaka sa lugar dahil naniniwala silang maisasama sila sa mga programa ni Pastor Quiboloy, partikular na sa pagsuporta sa kanilang hanapbuhay upang mapabilis ang proseso ng pag-aani.

Sa huli, masayang umuwi ang mga dumalo sa rally, dahil naniniwala silang sa darating na eleksiyon, matutupad na ang tunay na pagbabago sa bansa sa ilalim ng Duterte Senatorial Candidates, lalo na kay Pastor Quiboloy.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble