Tribute film na ‘Faney’ inilabas para sa ika-72nd posthumous birthday ni Nora Aunor

Tribute film na ‘Faney’ inilabas para sa ika-72nd posthumous birthday ni Nora Aunor

MAYROONG inilabas na tribute film bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-72nd posthumous birthday ng namayapang veteran actress na si Nora Aunor.

Ang naturang tribute film na pinamagatang ‘Faney’ ay pagbibidahan ni Laurice Guillen.

Umiikot ito sa kuwento ng isang matandang Noranian na sa kabila ng sakit na iniinda, buong puso itong nagpupursige na maibigay ang kaniyang huling pagpupugay kay Nora Aunor.

Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng anak ni Nora na si Ian de Leon para sa naturang tribute film at sa supporters ng kaniyang ina.

Ipinanganak si Ate Guy noong Mayo 21, 1953 at pumanaw ito noong Abril 16, 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble