Tricycle sa Koronadal City, nabundol ng kotse; 1 nasawi

Tricycle sa Koronadal City, nabundol ng kotse; 1 nasawi

PAUWI na sana ang magkakamag-anak sa Barrio 6 sa bayan ng Banga, South Cotabato sakay ng isang tricycle ng mabangga sila ng kotse kamakalawa ng gabi.

Sa lakas ng pagkakabangga ng kotse ay hindi na umabot pa ng buhay sa ospital si Juliet Ortiz Jaco na isa sa mga sakay ng tricycle.

Nagtamo naman ng sugat at kasalukuyang nagpapagaling ang asawa nitong nagmamaneho ng tricycle na si Benjie Jaco, kapatid na si Judith Ortiz, at dalawang menor de edad.

Ayon sa Koranadal City Police, lasing ang driver ng kotse at ngayon ay nasa kustodiya na ng mga pulis.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble