PINAYUHAN ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang dating senador na si Sonny Trillanes na ‘manahimik’ na lang.
Lalo na’t wala naman talagang maayos na naiambag ang dating senador sa Pilipinas.
“May nahatid ka ba na kapwa mo Pilipino na pobre sa ospital, inalagaan mo? Nagpakain ka ba ng mga tao diyan sa Maynila? Ni hindi ka nga kilala diyan sa Caloocan tapos gusto kang (tumakbo),” pahayag ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Tugon ito ng dating pangulo sa pahayag kamakailan ni Trillanes na naisumite na sa International Criminal Court (ICC) ang transcript ng naging pagdinig ng Senado noong Oktubre 28 hinggil sa drug war ng Duterte administation.
Sinabi pa ng dating senador na gagamitin umano ang naturang transcript sa magiging trial na gagawin ng ICC hinggil sa kaso.
Follow SMNI News on Rumble