MULI na namang nagdulot ng malaking pinsala ang tropa ng militar laban sa komunistang teroristang grupo matapos ang nangyaring engkwentro sa kabundukang bahagi ng Barangay Hinimbangan, Kitcharao, Agusan del Norte.
Nakasagupa ng mga tropa ng 30th Infantry Battalion at 29th Infantry Battalion ng Philippine Army ang humigit-kumulang anim na miyembro ng Communist NPA Terrorist (CNT) ng SRSDG Westland, NEMRC na pinamumunuan ni Ricky M. Per alias “Rem”.
Tumagal ng limang minuto ang naturang engkwentro na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang (1) M16 rifle na may magasin, isang (1) caliber .45 na may magasin, at iba pang mga personal na kagamitan.
Ayon kay Brigadier General Arsenio Sadural, Kumander ng 901st Brigade, ang mga terorista ay nagtatangkang magbanta sa mga sibilyan sa nasabing lugar.
Ipagpapatuloy naman ng 901st Brigade ang pagtugis sa mga natitirang CTGs sa pamamagitan ng mga operasyon upang matiyak na mananatiling mapayapa ang rehiyon.