Mas malawak na kahandaan kontra nuclear threats sa bansa, nilahukan ng PH-US military force

Mas malawak na kahandaan kontra nuclear threats sa bansa, nilahukan ng PH-US military force

PINANGUNAHAN muli ng mga kinatawan ng Pilipinas at US military force ang mas malawak at pinalakas na paghahanda kontra sa banta ng nuclear threats sa dalawang bansa.

Dalawang araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng Balikatan Exercises 37-2022, pinangunahan ng Philippine-US military force ang Philippine Army, U.S. Army Pacific chemical, biological, radiological, nuclear (CBRN) exercise.

Isa itong pagsasanay para mapalawak pa ang kaalaman sa pagresponde sa posibleng nuclear threats na papasok sa mga teritoryo ng Pilipinas at Amerika.

Ang naturang pagsasanay ay isa lamang ito sa mga pangunahing aktibidad ng Balikatan Exercises ngayong taon partikular sa mga kinakaharap na banta ng terorismo sa bansa.

Matatandaang, hindi na bago ang krisis ng terorismo sa bansa matapos ang mga serye ng pag-atake ng iba’t ibang teroristang grupo  gaya ng CPP-NPA, Daulah Islamiyah, Abu Sayyaf Group, BIFF at ISIS inspired group lalo na sa rehiyon ng Mindanao.

Mula dito, inaasahan na mabilis nang matutugunan ang problema ng mga pag-atake ng mga terorista at iba pang kahalintulad na krisis sa seguridad  sa dalawang bansa matapos ang nasabing palitan ng nalalaman at karanasan ng mga kalahok dito.

“USARPAC combined interoperability drills that cover a spectrum of military operations —is geared at honing the interoperability and readiness of Filipino and U.S. forces in responding to CBRN threats. PA’s Chemical, Biological, Radiological and Nuclear (CBRN) Battalion and USARPAC personnel held lectures and practical exercises on mitigating and responding to CBRN attack scenarios.”

Samantala, matagumpay naman na natapos ng Pilipinas at Amerika ang  Offensive Counter Air and Defensive Counter Air Operations na isinagawa sa Clark Air Base.

Patuloy naman na isinasagawa ang Tactical Airlift and Airdrop; Mass Casualty Evacuation, Aeromedical Evacuation, Covid Response; Air-to-Air Exercise; Base Security and Aircraft Maintenance; Radar and Radio Operations; Cyber Security;  Water, Jungle, and Dive Search Recovery; Tactical Combat Casualty; Care/Vehicle Extrication.

BASAHIN: Mga bagong kagamitan ng AFP, magpapakitang gilas sa Balikatan Exercises

Follow SMNI News on Twitter