SA pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang maglaland-fall ngayong Sabado ang binabantayang Tropical Depression Obet.
Sa ngayon, namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,025 kilometers ng East of Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na 55 kilometro kada oras at kasalukuyang kumikilos ng pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, posible na umanong magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. mamayang hapon hanggang bukas dahil sa bagyo.
Sa ngayon, ayon pa rin sa PAGASA, ang bagyo ay wala pa umanong direktang epekto sa bansa pero dahil sa patuloy na pag-iral ng Shear line o linya kung saan nagtatagpo ang malamig na north easterly surface wind flow at ang mainit na easterlies.
Kung kaya’t may makakapal na ulap na nagdudulot ng malakas na pag-uulan na kasalukuyang nararanasan ngayong araw sa hilagang Luzon.