Trot song na “God of Light Music”, sorpresang ini-release ng Seventeen

Trot song na “God of Light Music”, sorpresang ini-release ng Seventeen

SORPRESANG inilabas ng K-pop boy group na Seventeen ang isang trot song na may pamagat na “God of Light Music” nitong Disyembre 26.

Ito ang special gift na handog ng grupo para sa kanilang fans bago magtapos ang taong 2023.

Orihinal na nabuo ang kanta na kung mapapansin ay trot version ng kanilang title track na “God of Music” mula sa kanilang latest album na “Seventeenth Heaven” sa isa sa mga episode ng kanilang YouTube series na “Going Seventeen”.

Samantala, tutungo sa Pilipinas ngayong Enero 2024 ang Seventeen para sa isang two-night concert sa Philippine Sports Arena sa Bulacan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble