KASAMA na sina Barangay Ginebra players Troy Rosario at rookie RJ Abarrientos, Magnolia big man Zavier Lucero, at athletic guard Renz Abando sa Gilas Pilipinas pool habang sinimulan ng national team ang kanilang ensayo para sa nalalapit na FIBA Asia Cup 2025, na gaganapin sa Agosto 5–17 sa Jeddah, Saudi Arabia.
Present sa unang araw ng practice sina Rosario at Abarrientos sa unang araw ng practice nitong Lunes. Si Lucero naman ay kasalukuyang nasa Estados Unidos para sa personal na bakasyon matapos ang pagkalaglag ng Magnolia sa quarterfinals, habang si Abando ay nagsasanay kasama ang Strong Group Athletics bilang paghahanda para sa 44th William Jones Cup sa Taiwan.
Nakita rin sa ensayo sina Calvin Oftana ng TNT, Chris Newsome ng Meralco, at CJ Perez ng San Miguel. Dumalo rin ang mga Japan B.League imports na sina Dwight Ramos at Carl Tamayo, na bagong kampeon sa Korean Basketball League kasama ang Changwon LG Sakers.
Hindi naman dumalo sa ensayo sina naturalized player Justin Brownlee at big man AJ Edu, pero present ang iba pang Gilas veterans tulad nina Japeth Aguilar, Scottie Thompson, at Jamie Malonzo ng Ginebra.
Kinumpirma ni Gilas coach Tim Cone ang pagkakasama ng apat na PBA players sa pool bilang pagtugon sa FIBA requirement na maghain ng “long list” ng mga manlalaro.
Magkakaroon ng friendly game ang Gilas laban sa Macao Black Bears sa Hulyo 28 sa Araneta Coliseum bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa FIBA Asia Cup. Bubuksan rin ng Gilas ang kanilang group stage campaign laban sa Taiwan sa Agosto 6, kasunod ang New Zealand sa Agosto 7, at Iraq sa Agosto 9.